^

PSN Palaro

Safeguard Active5i50 Triathlon hahataw ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pag-atras nina 2013 pro champions Mitch Robbins at Esther Dudaz, inaa­sahang magiging mabigat ang labanan sa 2014 Safeguard Active 5i50 Triathlon na pakakawalan ngayon sa Bohol (Bellevue Hotel).

Ang bagong kurso ang magpapahirap sa mga partisipante.

Kabuuang 650 triathletes mula sa 28 bansa ang maglalaban sa ka­rangalan sa inaabangang swim-bike-run event.

Binanderahan ni Robbins ang male pro, habang si Dudaz ang nagdomina sa ladies section sa Su­bic no­ong nakaraang taon.

Premyong $10,000 ang nakalatag sa pro division at P120,000 sa elite category ng event na itinataguyod ng Safeguard Active katuwang ang Bellevue Resort bilang official hotel at ang 2Go na si­yang official courier at lo­gistics provider.

Bilang title sponsor sa ika­lawang sunod na taon, ipi­napaalala ng Safeguard Ac­tive sa mga atleta ang pag­kakaroon ng superior skin germ protection kasa­bay ng pangangalaga sa ka­nilang balat mula sa mga odor-causing germs.

Ang iba pang sumusu­porta sa event na inorga­nisa ng Sunrise Events, Inc. ay ang Aqua Sphere, Coca-Co­la Femsa Philippines, Da­vid’s Salon, Devant, In­tercare, Planet Sports, Pru­dential Guarantee, Ru­dy Project, Smart, The Phi­lip­pine STAR at Zoot.

AQUA SPHERE

BELLEVUE HOTEL

BELLEVUE RESORT

ESTHER DUDAZ

FEMSA PHILIPPINES

MITCH ROBBINS

PLANET SPORTS

SAFEGUARD ACTIVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with