Panalo ng Perpetual Altas sa Red Lions pinagtibay
Laro Ngayon
(The Arena,
San Juan City)
11 a.m. Mapua
vs Arellano (jrs)
1 p.m. Jose Rizal
vs San Beda (jrs)
3 p.m. Jose Rizal
vs San Beda (srs)
MANILA, Philippines - Nanatili ang 76-75 panalong naitala ng Perpetual Help Altas sa San Beda Red Lions noong Setyembre 22 na inilaro sa The Arena sa San Juan City.
Nagpulong kahapon ang NCAA Management Committee (ManCom) sa pangunguna ni chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University at pinagpaliwanag nina league commissioner Arturo Cristobal at technical supervisor Romy Guevarra ang reklamo ng Red Lions na dapat ay may 24-seconds violation ang Altas nang pumukol ng 3-pointer si Joel Jolangcob sa ikatlong yugto.
“After deliberating on the protest of SBC ad hearing the explanation made by all parties, Mancom decided to deny the protest and affirm the results of the game,” wika ni Supan.
Ang pagpapatibay sa panalo sa San Beda ay isa sa dalawang magandang pangyayari sa Altas kahapon dahil walang hirap nilang nailista ang ika-10 panalo matapos ang 16 laro nang hindi nakabuo ng limang manlalaro ang Emilio Aguinaldo College Generals.
Tinapos naman ng San Sebastian Stags ang 10-sunod na kamalasan matapos kunin ang 82-66 pananaig laban sa Lyceum Pirates sa nag-iisang laro kahapon. (ATan)
- Latest