Baniqued, Lavandia kumuha ng bronze sa Asian Masters
KITAKAMI CITY, Japan -- Pumitas ang Pilipinas ng dalawang bronze medals sa pagsisimula ng 18th Asian Masters Athletics Championships dito sa Kitakami City, Iwate Prefecture.
Ibinigay ni Margarito Baniqued sa bansa ang unang tansong medalya matapos pumangatlo sa 5,000-meter walk for men 55-years old.
Nagtala siya ng oras na 32 minuto at 38.57 segundo sa hanay ng 42 atleta.
Si Baniqued ay isang middle distance runner sa panahon ng Gintong Alay sa ilalim ni Michael Keon.
Kinuha naman ni Erlinda Lavandia, ang nirerespetong Masters javelin throw champion, ang ikalawang bronze medal ng bansa sa hammer throw event para sa women 60-64 years old.
Naghagis siya ng distansyang 21.27 metro.
Ang paglahok ng national team sa event ay suportado ng San Miguel Corporation, Petron, Sportscore, L-Time Studio, Soma, El Lobo Energy Drink, Accel, PCSO, PSC at POC.
Sinabi ni Lavandia na lalahok din siya sa kanyang paboritong event na javelin throw kung saan siya inaasahang kukuha ng gold medal.
- Latest