^

PSN Palaro

Paghahabol sa semis palalakasin ng Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinambakan ng Perpe­tual Help Altas ang Mapua Cardinals ng 34 puntos sa unang pagkikita na nangyari sa unang laro sa 90th NCAA men’s basketball.

Pero hindi masasabing madaling laro ang haharapin ng Altas sa Cardinals sa natatanging seniors game sa ganap na alas-4 ng hapon ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Una, galing ang Altas sa pagkatalo sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa overtime, 76-80, sa hu­ling laro at ikalawa, mataas ang morale ng talsik ng Cardinals matapos pabagsakin ang San Sebastian Stags (75-73) at Lyceum Pirates (85-76), sa huling dalawang asignatura.

“Sa ipinakita nila sa hu­ling dalawang laro, tiyak na mahihirapan kami,” wika ni Altas coach Aric del Rosario.

Sinasandalan ng bete­ranong coach ang kaha­la­gahan ng makukuhang panalo para tumatag pa ang paghahabol ng pu­westo sa Final Four.

May 8-5 baraha ang Altas para malagay sa ikalimang puwesto, kapos ng isang panalo para saluhan ang St. Benilde Blazers (9-5) na nasa ikaapat na puwesto.

Sina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda ang muling sasandalan ng koponan. Pero mas mapapadali ang asam na panalo kung gagana pa ang kanilang bench para maisantabi ang inaasa­hang inspiradong laro ng Cardinals.

Sa 3-10 baraha, ang Cardinals ay talsik na sa kompetisyon pero hindi hadlang ito para maisa­katuparan ang balak na magandang pagtatapos sa liga.

Si Joseph Eriobu ang magdadala sa koponan pero dapat ding paghandaan ang birada nina CJ Isit at Leo Gabo na nagpakita sa mga panalong naitala.

ALTAS

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

HELP ALTAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LEO GABO

LYCEUM PIRATES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with