Fil-foreign cagers nais sumali sa Gilas pool
MANILA, Philippines – Ilang Fil-foreign teener mula sa iba’t ibang bansa ang gustong mapasama sa Gilas Pilipinas training pool.
Ito ay matapos ang nakaraang paglahok ng Pilipinas sa FIBA World U17 sa Dubai, sa FIBA Asia U18 sa Doha at sa FIBA World Cup sa Spain.
“We’ve opened the eyes of a lot of kids who want to be part of our program,” sabi ni SBP deputy executive director for international affairs Butch Antonio.
Ayon pa kay Antonio, ang adjustment sa academic calendar ang mangangahulugan ng pagkaantala sa pagsisimula ng mga major collegiate seasons sa Setyembre.
Dahil dito ay maaari nang sumali ang mga UAAP at NCAA stars sa national U17 at U18 teams nang hindi isinasakripisyo ang kanilang school commitments.
Ang dalawang Fil-foreign prospects na tinatarget ng SBP ay sina 6’7, at 14-anyos na si A.J. Edu, isang Fil-Nigerian na ninirahan sa Wales, at ang 6’5 at 12-anyos na si Fil-Australian Ethan Kirkness na ang ina ay tubong Dumaguete.
Sa Dubai, nakapaglaro ang bansa sa FIBA World U17 tournament.
Yumuko ang Nationals sa Angola, 82-72, Greece, 85-65, US, 124-64, France, 86-57, Argentina, 84-71, at sa Egypt, 92-67, bago talunin ang host United Arab Emirates, 115-51.
Naglista ang koponan ng 1-6 record at tumapos bilang ika-15 mula sa 16 na lumahok.
Sa Doha, sinimulan ng bansa ang FIBA Asia U18 Championships mula sa 85-60 pananaig sa Jordan.
Kasunod nito ay ang pagkatalo sa South Korea, 87-69, panalo sa Qatar, 82-79, pagyukod sa China, 91-49, pagtakas sa Malay-sia, 72-69, pagkatalo sa Chinese-Taipei, 90-86, tagumpay sa Kazakhstan, 86-74, at pagtakas sa Japan, 113-105, sa overtime para tumapos bilang pang-lima.
- Latest























