^

PSN Palaro

Scorpions pasok sa semis; Saints giniba ang Senators

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumamit ang Centro Escolar University Scorpions ng 9-0 panimula tungo sa 100-49 panalo sa City University of Pasay Eagles sa pagsisimula ng second round ng NAASCU men’s basketball noong Linggo sa Rizal Technological University gym sa Pasig City.

Sina Samboy de Leon, Rodrique Ebondo at Erven Silverie ay may tig-10 puntos para sa Scorpions na may 8-0 karta at makatiyak na ng puwesto sa semis.

Kinalos din ng host Saint Clare College of Ca­loocan Saints ang Diliman Computer Technology Ins­titute Senators, 86-53, para sa ikapitong sunod na panalo matapos matalo sa CEU sa unang laro.

Si Marte Gil ay may  22 puntos at 12 rito ay kanyang kinamada sa huling yugto para iwanan na ng Saints ang Senators. Ang rookie na si Earvin Mendoza ay may 11 puntos na sinangkapan ng tatlong tres.

Kinalos din ng Our Lady of Fatima University Phoenix ang Rizal Technological University, 80-78, para sa ikaanim na panalo matapos ang walong laro.

CEU 100--Opiso 23, Silverie 10, Ebondo 10, de Leon 10, Anunciacion 9, Banua 8, Vargas 6, Amil 5, Batino 5, Jeruta 5, Celso 3, Casino 2, Abundo 2, Sedurifa 2.

PASAY 49-- Ramos 9, Penaredondo 9, Aquino 6, Erice 5, Sarmiento 4, Telpo 4, Cahansa 4, de Vega 4, Encina 2, Solero 2, Padilla 0.

Quarterscores: 19-10, 46-23, 70-30, 100-49.

Saint Clare 86--Gil 22, Mendoza 11, Jamito 10, Ibay 8, Managuelod 8, Lunor 7, Redoh 6, Dulalia 5, Ibarra 4, Acebron 3, Ambulodto 2.

Diliman Computer 53-- Quattara 16, Yaon 9, Enriquez 6, Protacio 6, Nudo 6, Barranco 5, Aguilon 5, Tay 0.

Quarterscores: 18-10, 32-27, 53-44, 86-53.

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY SCORPIONS

CITY UNIVERSITY OF PASAY EAGLES

DILIMAN COMPUTER

DILIMAN COMPUTER TECHNOLOGY INS

EARVIN MENDOZA

ERVEN SILVERIE

KINALOS

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY PHOENIX

PASIG CITY

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with