^

PSN Palaro

1-gold, 3-silvers sinagwan ng Pinoy paddlers sa ICF World Championship

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumandal  ang Pilipinas sa mga batang mana­nagwan para makakuha ng gintong medalya sa idinadaos na ICF (International Canoe-Kayak Fe­deration) 2014 Dragon Boat World Championships sa Poznan, Poland.

Ang distansyang pinag­labanan noong Huwebes at Biyernes ay sa 500-meter distance at ang bansa ay namayani sa 10-seater Junior Men nang magtala ng dalawang oras at 16.79 segundo para hiyain ang panlaban ng Russia na may 2:19.28 at Canada na may 2:22.68.

Ang tagumpay ang pumawi sa paglapag lamang ng tatlong senior teams sa ikalawang puwesto kontra sa Russian rowers.

May 1:50.03 oras ang inilaban sa 20-seater Senior Men para puma­ngalawa sa Russia na may 1:49.17 bilis.

Hindi rin pinalad ang Senior Men sa 10-seater dahil ang oras na 2:12.42 ay mababa sa 2:10.24 ng Russia habang ang isinabak sa 10-seater Senior Mixed ay may 2:16.91 oras laban sa 2:14.71 ng nanalong mga Ruso.

Pinaglabanan noong Sabado ang 10-seater at 20-seater sa 200-meter distance habang ang aksyon sa Linggo ay sa 10-seater at  20-seater sa 2000-meter distance.

Ang namahala sa pag­buo ng National team ay ang Philippine Canoe-Ka­yak Federation.

 

BIYERNES

DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIPS

HUWEBES

INTERNATIONAL CANOE-KAYAK FE

JUNIOR MEN

PHILIPPINE CANOE-KA

SEATER

SENIOR MEN

SENIOR MIXED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with