^

PSN Palaro

Pacquiao sa kakayahan ni Algieri: ‘Okay’ lang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “He’s okay.”

Ito ang komento ni eight-division champion Manny Pacquiao sa kanyang susunod na makakatunggaling si Chris Algieri sa Nobyembre 23 sa Macau.

Sinabi ni Pacquiao na napanood niya ang pinakhuling laban ng wala pang talong si Algieri kontra kay Ruslan Provodnikov.

“I saw his fight with Ruslan. He took a lot of bad punches from Ruslan but he’s tough,” wika ni Pacquiao ngayong Lunes sa press conference sa The Venetian Macau para sa simula ng kanilang dalawang linggo media tour ni Algieri.

Kahit dalawang beses napatumba si Algieri (20-0, na may walong knockouts) napagtagumpayan pa rin niya ang laban, ngunit hindi napabilib si Pacquiao.

“He can box. I’m not saying he’s really good but he’s not bad. He’s okay,” dagdag ni Pacquiao.

Isa lamang ang inaalala ni Pacquiao sa paghaharap nila ni Algieri.

“The biggest challenge for me is to fight another tall guy. I have to use my speed and footwork for this fight.”

Maghaharap ang dalawa sa Cotai Arena ng The Venetian Macau sa Nobyembre, kung saan din pinataob ng beteranong boksingero si Brandon Rios nitong nakaraang taon.

ALGIERI

BRANDON RIOS

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

NOBYEMBRE

PACQUIAO

RUSLAN

RUSLAN PROVODNIKOV

VENETIAN MACAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with