^

PSN Palaro

Pinay triathletes sasalang na sa aksyon sa YOG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina triathlete Vicky Deldio at swimmer Roxanne Yu ang siyang magbubukas ng kampanya ng Pilipinas sa Youth Olympic Games na opisyal na magsisimula ang aksyon ngayon sa Nanjing, China.

Si Deldio ay sasalang sa ganap na alas-9 ng umaga sa Xuanwu Lake para subukin ang kakayahan laban sa 31 iba pang triathletes sa  750-meter swim, 20-km bike at 5-km run distance.

Si Yu ay magbabaka-sakaling maalpasan ang heats sa 100-meter backstroke na gagawin sa Olympic Sports Center Natatorium.

Nakapasok ang dalawang lady athletes matapos maabot ang qualifying marks sa kani-kanilang events.

Pero alam ng dalawang atleta na iba ang laban dito at nangakong gagawin lamang ang makakaya para bigyan ng disenteng marka ang sarili sa Olympics para sa manlalarong edad 14 hanggang 18 gulang.

Pitong atleta ang panlaban ng Pilipinas at ang iba pang kasali ay sina Ava Verdeflor sa gymnastics, Zion Rose Nelson sa athletics, Celdon Jude Arellano sa shoo­ting at sina Bianco Roxas-Chua Gotuaco at Luis Gabriel Moreno sa archery.

Si Verdeflor ay lalaro sa Lunes, sina Nelson at Arellano ay sasalang sa 400-m heats at air rifle sa Miyerkules habang sa Biyernes kakampanya sina Gotuaco at Moreno.

Nasa 3,600 ang atleta mula sa 202  bansa ang maglalaban sa 28 sports at 222 gintong medalya ang nakataya sa kompetisyong matatapos sa Agosto 28.

 

AVA VERDEFLOR

BIANCO ROXAS-CHUA GOTUACO

CELDON JUDE ARELLANO

LUIS GABRIEL MORENO

OLYMPIC SPORTS CENTER NATATORIUM

PILIPINAS

ROXANNE YU

SI DELDIO

SI VERDEFLOR

SI YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with