Letran rumesbak sa Bedans, St. Benilde kumapit sa no. 4
MANILA, Philippines - Napilayan ang San Beda Red Lions sa ‘di paglalaro ni Ola Adeogun para ang inakalang klasikong labanan kontra sa Letran Knights ay nauwi sa 64-53 panalo ng huli sa pagtatapos ng first round elimination ng 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Hindi pinaglaro ng management ang 6’8 center dahil sa pagliban nito sa tatlong ensayo.
Dahil walang mapuntahan sa loob at hindi rin pumapasok ang outside shots ng Lions kaya’t nagtala sila ng pinakamababang output sa first half sa season na 13 puntos para maiwanan ng 20, 33-13.
Ang triple ni Rey Nambatac ang nagpalawig sa kalamangan ng Knights sa 23, 49-26, at hindi na nagawa pang bumangon ang San Beda para makasalo uli ang Arellano Chiefs sa unang puwesto sa 7-2 karta.
Si Mark Cruz ay mayroong 18 puntos, 5 rebounds at 3 assists para sa Knights na sinaluhan sa ikapitong puwesto ang San Sebastian Stags at Emilio Aguinaldo College Generals sa 3-6 baraha.
Nakakuha ng magandang laro ang St. Benilde Blazers kina Jonathan Grey, Luis Sinco, Mark Romero at Paolo Taha sa second half para makabangon mula sa 13-puntos pagkakalubog tungo sa 77-73 panalo sa Perpetual Help Altas sa unang laro.
Ito na ang ikalimang panalo sa siyam na laro ng Blazers upang makasalo ang Altas at Lyceum Pirates sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto.
May 19 puntos si Grey para pangunahan ang Blazers habang sina Sinco at Romero, na may 15 at 13 puntos, ay kumunekta sa 3-point line para makahabol ang koponan.
Si Taha ang siyang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa bataan ni coach Gabby Velasco sa malapitang buslo laban sa dalawang Altas defenders, 73-72, bago siya at si Jose Saavedra ang nagpuwersa kina Harold Arboleda at Earl Scottie Thompson sa magkasunod na errors.
Tatlong free throws ang ginawa nina Sinco at Saavedra para sa 76-72 abante para mapantayan ng Blazers ang kabuuang panalo na nakuha noong nakaraang taon.
Si Baloria ay mayroong 22 puntos habang 20 at 12 ang ginawa nina Thompson at Arboleda para sa Altas. (ATan/Merrowen Mendoza-trainee)
St. Benilde 77 - Gray 19, Sinco 15, Romero 13, Bartolo 12, Taha 9, Saavedra 4, Nayve 3, Ongtenco 2, Mercado 0, Altamirano 0, Deles 0
Perpetual 73 - Baloria 22, Thompson 20, Arboleda 12, Alano 11, Bantayan 3, Jolangcob 3, Gallardo 2, Dizon 0, Ylagan 0 Lucente 0, Pido 0
Quarterscores: 11-14; 37-41; 58-63; 77-73
Letran 64 - Cruz 17, Nambatac 9, Gabawan 9, Publico 7, Ruaya 6, Tambeling 6, Singontiko 5, Dela Pena 2, Racal 2, Quinto , Calvo 0, Caastro 0, Saldua 0, Luib 0.
San Beda 53 - Dela Cruz 16, Mendoza 1, Semerad A 5, Sara 4, Pascual 4, Amer 3, Cabanag 2, Solera 2, Koga 0, Mocon 0, Abude 0, Abatayo 0, Tongco 0
Quarterscores: 16-6; 33-13; 49-29; 64-53.
- Latest