^

PSN Palaro

Tolentino bagong FIDE sec/gen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailuklok si Rep. Abraham “Bambol” Tolentino bilang secretary general ng World Chess Federation (FIDE) sa eleksyon na ginawa noong Lunes sa Tromso, Norway.

Tumakbo sa partido ni incumbent president Kir­zan Ilyumzhinov, tinalo ni Tolentino si Ignatius Leong ng Singapore na nagbalak na manatiling sec-gen ng FIDE.

Walang nalagas sa ti­ket ni Ilyumzhinov na ma­­na­natiling pangulo ng  international chess body matapos pabagsakin ang dating No. 1 player sa mundo na si Gary Kas­parov, 110-61, sa secret balloting.

Bago naupo sa FIDE, si Tolentino ay naging Tagaytay City Mayor mula 20­04 hanggang 2013, at sec-gen  ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) bukod sa pagiging presidente ng Asian Zone 3.3.

Nakaupo rin ngayon bilang pangulo ng PhilCycling, nagpahayag si Tolentino na bibitiwan ang puwesto sa Asian Zone 3.3 para mabigyan ng lu­bu­sang panahon ang magi­ging trabaho sa FIDE.

Ang NCFP president  na si Prospero Pichay na tumakbo rin sa grupo ni Kas­parov ay natalo sa  hinangad na Asian Chess Federation presidency matapos iluklok uli si Sheik Sultan Bin Khalifa Al-Nehyan.

Ang iba pang nanalo sa tiket ni Ilyumzhinov ay sina  Georgios Makropoulos (deputy president) Aguinaldo Jaime (vice president), Martha Fierro Baquero (vice president) at Adrial Siegel  (treasurer).

ADRIAL SIEGEL

AGUINALDO JAIME

ASIAN CHESS FEDERATION

ASIAN ZONE

GARY KAS

GEORGIOS MAKROPOULOS

ILYUMZHINOV

SHY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with