^

PSN Palaro

Batang Gilas itotodo na ang lahat vs US Team

Pilipino Star Ngayon

DUBAI - Nakalasap ng dalawang sunod na kabiguan, lalabanan ng Team Philippines ang nagdedepensang United States sa preliminaries ng FIBA U17 World Championship sa Al Shabab Arena.

Yumuko sa Angola at Greece, pipilitin ng Batang Gilas na gulatin ang Americans sa kanilang paghaharap sa alas-6:45 ng (alas-10:45 ng gabi sa Manila).

Sinikwat ng United Sta­tes ang gold medal ng torneo noong 2010 sa Hamburg at noong 2012 sa Kaunas sa mga dominanteng paraan.

Muling ipaparada ng United States sina Malik Newman, Ivan Rabb at Dia­mond Stone matapos talunin ang Greece, 83-73, at Angola, 99-56.

“It will be a mixed feeling if these Americans dunked over me,” wika ni Jolo Mendoza, ang leading scorer ng Batang Gilas. “Playing on the same court with these future superstars is a diffe­rent kind of feeling. It’s pretty special. We’ll surely enjoy every single minute of it.”

Huling nakatapat ng Pilipinas ang United States sa isang major international competition noong 1978 nang idaos sa Manila ang FIBA World Championship.

Nanalo ang Americans, 100-70, sa semifinals na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sinabi naman ni Batang Gilas coach Jamike Jarin na handa ang koponang tapatan ng depensa ang Americans.

“We’re excited to play them, I’m sure they are also excited to play us,” wika ni Jarin.

“They need to prepare because we’re getting better. We played with a big heart against Angola, a bigger heart against Greece, and we’ll play with the biggest heart against the Americans,” wika pa ni Jarin.

AL SHABAB ARENA

BATANG GILAS

IVAN RABB

JAMIKE JARIN

JARIN

JOLO MENDOZA

MALIK NEWMAN

UNITED STATES

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with