^

PSN Palaro

Tampong pururot

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dahil lang sa playing time ay nag-quit ang dalawang miyembro ng Philippine Azkals.

Matagal na sigurong gusto mag-quit pero ngayon lang nakahanap ng dahilan.

Sinabi rin ni Stephan Schrock, tubong Germany na may dugong Pinoy, na hindi na siya maglalaro sa Azkals hanggang si Thomas Dooley ang coach.

Sumunod naman si Dennis Cagara na naka-base sa Denmark. Ganun din ang diga niya. Galit sa Amerikanong coach.

Pareho silang naglalaro sa Europa.

Parehong professional.

Pero sa akin, unprofessional ang ginawa nila.

Bagama’t nagpahiwatig na sila kay team manager Dan Palami ng kanilang tampo ay sa Facebook at Twitter nila isiniwalat ang kanilang himutok itong linggong ito.

Sa nakalipas na AFC Challenge Cup sa Maldives nag­simula ang drama. Pareho silang may iniindang injury noon kaya nabawasan ang playing time.

Ikinagalit nila ito.

Maraming followers ang mga players na ito sa social media kaya anuman ang sabihin nila ay madaling kumalat at pag-usapan.

Gawin kaya nila ito sa mga teams nila sa Europa kung hindi sila tuluyan mawalan ng trabaho.

Mukhang malinaw ang mensahe nila: Alisin niyo si Dooley at maglala­ro ka­mi ulit para sa Azkals.

Parang ginawang hos­­­tage ang Azkals.

Hindi natinag si Doo­ley at tinawag silang “sel­fish” o suwapang.

Mukhang galit din ang guwaping na goalie na si Neil Etheridge dahil tsugi si­ya sa lineup ni Dooley sa parating na Peace Cup sa Rizal Memorial Sta­dium.

Huwag naman sana mag-quit si Etheridge.

Pe­ro dehins ako ma­gu­gulat kung gagawin ni­ya ito.

Magaling si Schrock. Ma­galing si Cagara. Ma­galing si Etheridge.

Ma­laki ang naitulong nila sa pag-usad ng Azkals sa world rankings.

Kaya lang, hindi naman puwedeng sila ang mag­dikta sa team.

Sanay naman tayo sa hirap. Sanay naman tayo sa wala.

Kung ayaw n’yo, huwag n’yo.

 

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

DENNIS CAGARA

ETHERIDGE

MUKHANG

NEIL ETHERIDGE

NILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with