^

PSN Palaro

Pinay chessers wagi sa Egypt

Pilipino Star Ngayon

NORWAY -- Sumosyo ang Philippine women’s team sa pang-23 matapos talunin ang Egypt, 3-1, habang yu­mukod ang men’s squad sa Belgium, 1.5-2.5, sa seventh round ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway noong Sabado.

Sumulong ng magkakahiwalay na panalo sina Ja­nelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda at Catherine Pe­rena laban kina WGM Shrook Wafa, Ayah Moaataz at Sohayla Abdelmenae, ayon sa pagkakasunod.

Natalo naman si top board player Chardine Camacho kay WGM Khaled Mona sa 58 moves.

Nauna nang winalis ng mga Pinay ang United Arab Emirates noong Biyernes.

Nakatakda nilang labanan ang Mongolians sa eighth round ng nasabing 11-round biennial meet.

Nalasap naman ng men’s team ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo sa mga kamay ng Belgians.

Yumukod si IM  Paulo Bersamina kay IM Stefan Docx sa 48 moves ng isang Torre Attack.

Nakapuwersa naman ng draw sina GMs Julio Ca­talino Sadorra, John Paul Gomez at Eugene Torre laban ki­na GMs Luc Winants at Bart Michiels at IM Tanguy Ringoir, ayon sa pagkakasunod.

Nalaglag ang mga Pinoy sa ika-76 puwesto.

 

vuukle comment

AYAH MOAATAZ

BART MICHIELS

CATHERINE PE

CHARDINE CAMACHO

CHESS OLYMPIAD

EUGENE TORRE

JAN JODILYN FRONDA

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with