^

PSN Palaro

PLDT, Army magpapalakas para sa tiket sa Final Four

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. PLDT Home Telpad vs Air Force

4 p.m.  NU vs Army

6 p.m. Ateneo vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Lalapit ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters at ang Army Lady Troopers sa puwesto sa semifinals sa pagpanalo sa kanilang magkahiwalay na laro sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 7-2 karta para pangunahan ang li­ga, ang Turbo Boosters ay katapat ang Air Force Raiders sa alas-2 ng hapon bago sundan ng La­dy Troopers laban sa Na­tional University Lady Bulldogs sa alas-4.

Palalakasin pa ng Ate­neo Lady Eagles ang kampanya para sa puwesto sa Final Four kung mananalo sa nagdedepensang Ca­ga­yan Valley Lady Rising Suns sa huling laro sa alas-6 ng gabi.

May posibilidad na ma­tapos na ang tagisan para sa semis slot sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Mangyayari ito kapag nanalo ang Raiders at ang Lady Rising Suns para ha­gi­pin ang kanilang ika-pi­tong panalo.

Kapag nangyari ito, ang dalawang collegiate teams na Lady Eagles at Lady Bulldogs ay mamamaalam na dahil hindi na sila aabot sa pitong panalo kahit walisin pa ang huling mga laro.

Crossover semifinals ang mangyayari at ang No. 4 team ang siyang ma­kakatapat ng PLDT kung hawakan nila ang unang puwesto matapos ang single-round robin.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE RAIDERS

ARMY LADY TROOPERS

FINAL FOUR

HOME TELPAD

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY EAGLES

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with