^

PSN Palaro

Ateneo pinalakas pa ang tsansa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinantabi ng Ateneo Lady Eagles ang pana­nakit ng tiyan ng mga key players gamit ang determi­nasyong manalo para maiuwi ang  25-21, 22-25, 17-25, 25-19, 15-9, panalo sa Air Force Air Spikers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference quarterfinals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Alyssa Valdez tangan ang 26 kills at tatlong blocks tungo sa 29 puntos pero hindi niya mag-isang binalikat ang koponan para makuha ang ikalawang sunod na panalo at 4-5 kabuuang baraha.

May limang blocks si Amy Ahomiro tungo sa 15 puntos habang sina Kassaranda Miren Gequillana at Bea De Leon ay nagsanib sa 26 puntos.

Ang liberong si Dennise Lazaro ay may 19 excellent digs at 11 excellent receptions para tumibay pa ang paghahabol ng Lady Eagles ng puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

“We play for each other and for the team kaya si­guro natiis namin ang pain,” wika ni Valdez na naki­pagtulungan kay Ahomiro para makabangon mula sa 1-2 iskor.

Ang huling dalawang blocks ni Ahomiro ang siyang tumapos sa hi­ni­nga ng Air Spikers para sa kanilang ikaapat na ka­biguan laban sa anim na  panalo.

Ipinagdiwang ni Rachel Ann Daquis ang kanyang pagbabalik sa Army Lady Troopers nang tulungan niya ang koponan sa 25-22, 25-15, 22-25, 25-16, panalo sa nagdedepensang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa unang laro.

May 13 kills at dalawang aces si Daquis tungo sa 18 puntos upang suportahan ang 19 ni Nerissa Bautista.

Sina Jovelyn Gonzaga ay may 14 puntos, tampok ang tatlong blocks at may 9 digs pa, si Mary Jean Balse ay may 12 puntos at si Tina Salak ay naghatid ng tatlong blocks at 38 excellent sets.

“Nilaro lamang namin ang laro na atake nang atake,” wika ni Army coach Rico de Guzman na sinaluhan sa unang puwesto ang pahingang PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa 7-2 baraha.

Nalaglag sa ikatlong pu­westo ang Lady Rising Suns sa 6-2 karta.

 

AHOMIRO

AIR FORCE AIR SPIKERS

AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO LADY EAGLES

BEA DE LEON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with