^

PSN Palaro

Torre, Bersamina isinalba ang Team Phl vs Finland

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtala ng mga panalo sina GM Eugene Torre at ang batang si Paulo Bersamina para tulungan ang Pilipinas sa 2.5-1.5 panalo sa Finland sa 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway noong Martes ng gabi.

Ang 16-anyos na si Bersamina ang siyang naghatid ng unang puntos sa Pambansang koponan sa 45-move panalo kay IM Vilka Sipila sa board four habang ang 62-anyos na si Torre ay gumamit ng bihirang makita na Larsen Opening para magwagi kay IM Mikael Agopoy matapos ang 30-moves sa board three.

Tumabla si GM John Paul Gomez kay IM Mika Karttun sa Board two habang minalas ang Board one player na si GM Julio Catalino Sadorra kay GM Tomi Nyback matapos ang 28-moves ng Slav Defense.

Ito ang ikalimang pun­tos ng Pilipinas para su­malo sa 19-koponan sa 23rd puwesto. Sunod nilang kalaban ang Chile hanap ang panalo upang umangat pa sa standings.

Yumuko naman ang women’s team sa No.11 Spain, 0-4, para bumaba mula sa pakikisalo sa 15th tungo sa 30th place bitbit ang limang match points

Natalo si Janelle Mae Frayna kay IM Olga Ale­xandrova, si Jan Jodilyn Fronda ay yumuko kay Ana Matnadze, si Chardine Camacho ay lumuhod kay IM Sabrian Vega Gutierrez habang si Christyi Lamiel Bernales ay tumiklop kay WIM Amalia Aranaz Murillo.

AMALIA ARANAZ MURILLO

ANA MATNADZE

CHARDINE CAMACHO

CHESS OLYMPIAD

CHRISTYI LAMIEL BERNALES

EUGENE TORRE

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

KAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with