^

PSN Palaro

Ateneo binuhay ang pag-asa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaganda ang dalawang sunod na five-set games para sa Ateneo De Manila University dahil mas nakondisyon sila sa quarterfinals at dinagit ang PLDT Home Telpad, 25-18, 25-21, 28-26, sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 24 kills at dalawang blocks patungo sa 26 puntos si Alyssa Valdez, ha­bang naghatid din ng ma­gandang mga numero sina Amy Ahomiro at Michelle Morente para manatiling buhay ang tsansa ng Lady Eagles na umabante sa ikatlong panalo matapos ang walong laro.

Tinapos ng Ateneo ang elimination round bitbit ang dalawang sunod na ta­lo sa Philippine Army at Ca­gayan Valley pero ang ka­ranasang nakuha sa mahig­pitang laro ay nagamit sa labang ito.

May 10 puntos si Aho­miro, kasama ang walong attack points, habang si Mo­rente  ay may dalawang blocks bukod sa siyam na digs para pangunahan ang matibay na depensa ng La­dy Eagles.

Malaking tulong din sa panalo ang pagkakaroon lamang ng 19 errors para mag­karoon ng magandang panimula sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Ininda naman ng Turbo Boosters ang siyam na araw na pahinga dahil na­wala sa kondisyon ang mga kamador nito.

May 13 puntos, kasama ang 11 kills, si Sue Roces pero ang ibang inasahan na sina Laurence Ann Latigay, Gretchel Soltones at Ryzabelle Devanadera ay nagsanib lamang sa 20 puntos.

Ang pagkatalo ng PLDT ay ikalawa matapos ang walong laro.

Pinagtibay naman ng Air Force Air Spikers ang ka­pit sa mahalagang pang-apat na puwesto sa liga sa 14-25, 25-14, 25-12, 25-14 tagumpay sa National University Lady Bulldogs.

May limang blocks si Li­za De Ramos para pa­ngunahan ang 12-5 bentahe sa departamento upang mapigil ang opensa ng Lady Bulldogs para iangat ang baraha sa 5-3 karta.

May 8 puntos si De Ramos at sina Judy Caballejo at Joy Cases ay may 16 at 13 puntos.

vuukle comment

AIR FORCE AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DE RAMOS

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD

JOY CASES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with