Rose sumabak na sa ensayo ng US team
LAS VEGAS – Nakipag-ensayo na si 2011 NBA Most Valuable Player Derrick Rose sa U.S. basketball team na sasabak sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ayon sa 25-anyos na superstar point guard, nanibago siya sa kanyang kapaligiran.
“I was joking with Kyle Korver, I told him ‘I’m getting old, man. I’ve got to stretch, I’ve got to use rollers and stuff. He looked at me kind of weird,” wika ni Rose. “But I feel a lot more mature. I’ve been preparing for this for a long time. I’ve dedicated my whole summer to this. I think I’ve sacrificed a lot for this moment.”
Si Rose ng Chicago Bulls ay nanggaling sa dalawang knee injuries na nagpaupo sa kanya sa nakaraang dalawang NBA seasons.
Halos siyam na minuto siyang sumama sa scrimmage sa two-hour practice ng koponan.
Napanood lamang si Rose sa 10 laro ng Bulls sa nakaraang season bago tuluyang mawala sa aksyon dahil sa isang torn meniscus sa kanyang kanang tuhod.
- Latest