Altas babawian ang Chiefs
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Perpetual Help Altas ang bumangon matapos lasapin ang kauna-unahang kabigiuan sa 90th NCAA men’s basketball sa pagsukat sa Arellano Chiefs ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-2:30 ng hapon gagawin ang natatanging laro sa seniors division at pilit na isasantabi ng Altas ang mapait na 61-62 pagkatalo sa kamay ng host Jose Rizal University Heavy Bombers noong Miyerkules.
Kasalukuyan ay nasa ikatlong puwesto ang Altas at angat sa kanila ng isang laro ang Chiefs tungo sa pangalawang puwesto sa 4-1 baraha.
Umaasa si Altas coach Aric Del Rosario na natuto ang kanyang mga bata matapos ang kabiguan sa Heavy Bombers.
May dalawang fouls pa ang Altas pero hindi nila ginamit ito dahilan para makakawala ng offensive putback si Dave Sanchez sa mintis ni Philip Paniamogan.
“Hindi sila sumunod sa instruction. Dapat ay sure win na ito para sa amin,” nasambit ni Del Rosario.
Bukod sa focus sa laro, hanap din ng koponan ang manumbalik ang magandang laro galing kay Earl Scottie Thompson na nalimitahan sa siyam na puntos lamang.(AT)
- Latest