^

PSN Palaro

Pirates nagsolo sa no. 4

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The  Arena, San Juan City)

12 nn Arellano U

vs Perpetual Help (Jrs)

2:30 p.m.  Arellano U

vs Perpetual Help (Srs)

 

MANILA, Philippines - Malakas na pagtatapos ang sinandalan ng Lyceum Pirates para masolo ang ikaapat na puwesto nang padapain ang Emilio Aguinaldo College Gene­rals, 73-67, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naghatid ng siyam na puntos si Wilson Baltazar para pangunahan ang pagbangon ng Pirates mula sa 49-55 iskor matapos ang ikatlong yugto.

May nangungunang 20 puntos si Baltazar habang sina Dexter Zamora at Jo­seph Gabayni ay may 15 at 14 puntos.  May 11 rebounds at tatlong blocks pa si Gabayni upang umangat ang tropa ni coach Bonnie Tan sa 4-2 karta.

Malaking papel rin ang ibinigay ng beteranong si Zamora na siyang bumasag sa huling tabla sa 67-all at humablot ng krusyal na defensive rebound sa sumunod na play mula sa mintis ni Jan Jamon.

 “Nananalo kami dahil naroroon ang determinasyon ng mga players,” wika ni Tan na nakuha rin ikatlong sunod na panalo sa liga.

May 18 puntos si Noube Happy para sa Generals na tinamo ang ikaapat na sunod na pagkatalo upang makapantay ang Letran Knights sa ikawalo at siyam na puwesto sa sampung koponang liga.

Naiwanan pa ang Ge­nerals ng St. Benilde Blazers sa standing dahil sinungkit  ng huli ang ikala­wang sunod na panalo sa pamamagitan ng 79-72 desisyon sa Mapua Cardinals sa unang laro.

May career-high na 26 puntos si Romero at lima ang kanyang ambag sa pamatay na 11-5 bomba para madugtungan ang 85-71 panalo sa Letran Knights noong Lunes.

Panuportang 17 puntos ang ibinigay pa ni Jonathan Grey upang maisantabi ang pagbangon ng Cardinals mula sa 18 puntos at maipalasap sa Mapua ang  kanilang ikaanim na sunod na kabiguan.  (ATan)

(ATan/Merrowen Men­doza-trainee)

St. Benilde 79 – Romero 26, Grey 17, Sinco 8, Taha 8, Bartolo 8, Argamino 5, Jonson 3, Mercado 3, Ongteco 1, Nayve 0, Deles 0.

Mapua 72 – Gabo 16, Isit 14, Saitanan 14, Eriobu 13, Estrella 8, Biteng 2, Layug 2, Cantos 2, Villasenor 1.

Quarterscores: 23-17, 39-31, 61-50, 79-72.

Lyceum 73 – Baltazar 20, Zamora 15, Gabayni 14, Mbida 8, Bulawan 8, Maconocido 4, Malabanan 2, Taladua 2, Soliman 0.

Emilio Aguinaldo 67 – Happi 18, Tayongtong 13, Arquero 10, Aguilar 7, King 7, Serrano 6, Onwubere 5, Jamon 3, Santos 0, Mejos 0, Pascual 0.

Quarterscores: 11-19, 35-35, 49-55, 73-67.

vuukle comment

ARELLANO U

BALTAZAR

BONNIE TAN

DEXTER ZAMORA

GABAYNI

LETRAN KNIGHTS

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with