Warriors, Bulldogs wala pang mantsa
MANILA, Philippines - Dumiretso ang Bulldogs at ang Red Warriors sa pagtutumpok ng 2-0 record para pangunahan ang 77th UAAP men’s basketball tournament.
Kumamada si Angelo Alolino ng 20 points para banderahan ang National University sa 70-59 paggupo sa University of the Philippines kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ikalawang laro, nagpasabog naman ang University of the East ng 60 points sa second half patungo sa 99-72 paglampaso sa Adamson University.
Nagdagdag si Troy Rosario ng 17 markers kasunod ang 16 ni Alfred Aroga, humakot ng 11 rebounds, para sa ikalawang sunod na panalo ng Bulldogs at ipinalasap sa Fighting Maroons ang pangalawang dikit nitong kamalasan.
Tumipa si Alolino ng 4-of-7 shooting sa three-point line para ibigay sa NU ang 37-33 abante sa halftime bago iwanan ang UP sa 57-44 sa third quarter. (RCadayona)
NU 70-- Alolino 20, Rosario 17, Argoa 16, Khobuntin 6, Perez 3, Alejandro 2, Neypes 2, Atangan 2, Diputado 2.
UP 59--Moralde 15, Gallarza 10, Reyes 8, Lao 8, Dario 6, Gingerich 5, Vito 4, Juruena 2, Asilum 1, Harris 0.
Quarterscores: 18-19; 37-33; 57-44; 70-59.
UE 99--Galanza 16, Sumang 15, Jumao-as 12, Alberto 9, Javier 9, Varilla 9, De Leon 8, Mammie 6, Arafat 6, Cudal 4, Olayon 3, Charcos 2.
Adamson 72 – Polican 16, Trollano 14, Rios 13, Inigo 10, Villanueva 8, Pedrosa 5, Monteclaro 3, Nalos 3. Ochea 0.
Quarterscores: 20-25; 40-39; 69-52; 99-72.
- Latest