Chiefs pinasuko ang Cardinals; Heavy Bombers sumabog sa Pirates
Laro LUNES
(The Arena,
San Juan City)
12 nn EAC vs San Beda (Jrs./Srs.)
4 p.m. St. Benilde
vs Letran (Srs./Jrs.)
MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang Arellano Chiefs at Lyceum Pirates pero nagawa pa rin nilang ilusot ang tagumpay para mahawakan ang ikatlong panalo sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sinandalan ng Pirates ang triple ni Guy Mbida sa huling 16 puntos bago pinagmasdan na itinapon ni Philip Paniamogan ang bola sa sumunod na play para kunin ng Lyceum ang 84-80 panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers sa overtime.
Ikalawang sunod na panalo ito ng tropa ni coach Bonnie Tan para sa 3-2 karta pero nalagay din sa peligro ang tagumpay kahit nakalamang sila ng 13 puntos sa huling yugto.
Bumangon ang Bombers sa pagtutulungan nina Paniamogan, Michael Mabulac at Bernabe Teodoro para maitabla ang laro sa 75-all at mangailangan ng limang minutong extention.
Ang jumper at triple ni Paniamogan ang nagbigay sa Heavy Bombers ng 80-77 kalamangan pero hindi na sila nakapuntos sa huling 3:57 ng labanan.
May 16 puntos si Mbida para sa Lyceum habang sina Paniamogan at Mabulac ay may 24 at 20 puntos para sa Bombers na nakitang natapos ang two-game winning streak tungo sa 2-3 karta.
Naunang sumabak ang Arellano at kinailangan nilang magpakatatag sa endgame para maikasa ang 68-63 panalo sa kinapos uling Mapua Cardinals.
Dumikit ang Mapua sa 63-64 pero tumugon ang Chiefs sa 4-of-4 shooting sa 15-foot line mula kina Ralph Salcedo at Dioncee Holts.
Sina Salcedo at Holts ay may tig-10 puntos habang nagsanib sa 22 puntos sina Keith Agovida at John Pinto para makabangon agad ang bataan ni coach Jerry Codiñera mula sa pagkabigo sa San Beda at makasalo sa San Sebastian Stags sa ikatlong puwesto sa 3-1 baraha.
(ATan/Merrowen Mendoza-tranee
Arellano 68 - Agovida 12, Salcedo 10, Pinto 10, Holts 10, Hernandez 8, Gumaru 7, Jalalon 6, Caperal 4, Ciriacruz 1, Nicholls 0, Bangga 0, Palma 0, Ortega 0, Cadavis 0.
Mapua 63 - Estrella 20, Gabo 10, Saitanan 9, Isit 8, Magsigay 6, Cantos 6, Layug 3, Canaynay 1, Tubiano 0.
Quarterscores: 18-20; 32-30; 48-48; 68-63
Third Game (Srs)
Lyceum 84 - Mbida 16, Zamora 13, Malabanan 13, Gabayni 10, Taladua 10, Bulawan 9, Maconocido 8, Lesmoras 3, Baltazar 2.
Jose Rizal 80 - Paniamogan 24, Mabulac 20, Abdulwahab 10, Teodoro 9, Grospe 8, Asuncion 6, Lasquety 3, Sanchez 0, Salaveria 0.
Quarterscores: 20-21; 41-43; 65-56; 75-75; (OT) 84-80.
- Latest