Wade mananatili sa Heat, pumirma na
MANILA, Philippines - Maglalaro pa rin sina Dwyane Wade, Chris Bosh at Udonis Haslem para sa Heat at makakasama nila si Luol Deng sa Miami.
Pinapirma ng Heat ang 32-anyos na All-Star guard na si Wade sa isang multi-year na halos $15 milyon bawat season.
Ikinatuwa naman ni team president Pat Riley ang pagkakadagdag kay Deng sa Heat bilang “one of the most important free agent signings that we have ever had in the history of the franchise.”
Isang two-year, contract na nagkakahalaga ng $20 milyon ang pinirmahan ni Deng, sinasabing sasalo sa naiwang posisyon ni LeBron James.
Pumayag si Haslem sa isang two-year deal na nagkakahalaga ng $5.6 milyon, ayon sa South Florida Sun Sentinel.
Pinalagda rin ng Miami si forward James Ennis na kanilang nakuha sa trade noong nakaraang 2013 NBA Draft. Naglaro si Ennis sa Australia noong nakaraang season.
Pinapirma ng Houston Rockets si Joey Dorsey sa isang two-year, $2 million contract para palitan si Omer Aski bilang backup ni center Dwight Howard.
Nakipagkasundo rin ang Rockets sa one-year contract ni dating Milwaukee Bucks forward Jeff Adrien para sa veteran minimum.
Ang 30-anyos na si Dorsey ay hindi pa naglalaro sa NBA sapul noong 2011.
Hinugot ng Memphis Grizzlies si guard Beno Udrih para sa isang multi-year contract.
Nagtala si Udrih ng mga averages na 4.9 points, 1.4 rebounds at 2.8 assists sa 41 games para sa New York Knicks at Grizzlies noong nakaraang season.
Didiretso naman si free-agent forward Kris Humphries sa Washington Wizards matapos pumayag sa three-year, $13 million deal.
Kinumpirma ng Dallas Mavericks ang paglagda ng kontrata nina All-Star forward Dirk Nowitzki at forward Chandler Parsons.
Si Nowitzki ay inaasahang pumirma ng three-year deal na nagkakahalaga ng $25 milyon.
Pumirma naman si Parsons, isang restricted free agent, ng three-year, $46 million offer sheet sa Mavericks matapos itong tanggihang tapatan ng Houston Rockets.
Ginamit ng Chicago Bulls ang kanilang amnesty clause kay Carlos Boozer na magbibigay sa veteran forward sa highest bidder ng NBA team.
- Latest