^

PSN Palaro

Heavy bombers nakabangon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumamada si Philip Paniamogan ng 14 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para tulungan ang Jose Rizal University sa 69-60 paggupo sa Letran College sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagdagdag sina John Grospe at Bernabe Teo­doro ng tig-10 markers para sa panalo ng Heavy Bombers sa Knights.

Ngunit mas naging maaksyon ang pagtatapos ng laro.

Inireklamo ni Knights coach Caloy Garcia ang non-call ni referee Ian Borbe kay Letran guard Mark Cruz sa dulo ng final canto.

Dahil dito ay napatalsik sa laro si Garcia bunga ng kanyang ikalawang technical foul, habang ki­nompronta naman ni Cruz si Borbe kasunod ang pam­babato ng isang Letran fan sa referee.

Gumanti naman si Borbe sa pamamagitan ng pag­papakita sa kanyang gitnang daliri.

Nalasap ng Knights ang kanilang ikatlong kabiguan sa apat na laro, habang pinaganda ng Heavy Bombers ang kanilang kartada sa 2-2.

Sa ikalawang laro, pi­nayuko ng Lyceum ang Mapua, 80-78, mula sa pagbibida ni Joseph Ga­bayni na nagposte ng 23 points at 10 rebounds.

Ito ang ikalawang panalo ng Pirates kasabay ng pagpapalasap sa Cardinals ng pang-apat na sunod nitong kamalasan.

Jose Rizal 69 - Paniamogan 22, Grospe 10, Teodoro 10, Asuncion 10, Sanchez 4, Salaveria 4, Mabulac 4, Abdul Wahab 3, Lasquety 0.

Letran 60 - Cruz 19, Racal 17, Ruaya 9, Nambatac 6, Singontiko 5, Quinto 2, Publico 2.

Quarterscores: 14-14; 31-24; 45-48; 69-60.

Lyceum 80 - Gabayni 23, Zamora 16, Lesmoras 15, Mbbida 15, Ko 6, Bulawan 4, Malabanan 1, Baltazar 0.

Mapua 78 - Estrella 19, Saitanan 13, Gabo 10, Layug 9, Isit 8, Cantos 8, Canaynay 6, Tubiano 4, Magsigay 1.

Quarterscores: 20-19; 37-32; 64-52; 80-78.

 

vuukle comment

ABDUL WAHAB

BERNABE TEO

BORBE

CALOY GARCIA

CRUZ

HEAVY BOMBERS

IAN BORBE

JOHN GROSPE

LETRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with