^

PSN Palaro

Bouchard vs Halep sa Wimbledon finals

Pilipino Star Ngayon

LONDON--Nangako si Canadian star Eugenie Bouchard na babawi siya sa kanyang kabiguan sa nakaraang Grand Slam tournament sa pamamagitan ng pagpasok sa kanyang unang major final sa Wimbledon.

Nagtala ang 13th seed na si Bouchard ng 6-3, 6-4 panalo laban kay Angelique Kerber ng Germany sa quarterfinal round ng torneo.

Makakatapat ng 20-an­yos na netter sa se­mifinals si world number three Simona Halep, pinatalsik si Sabine Lisicki, 6-4, 6-0, sa isa pang laro sa quarterfinals.

Nauna nang nasibak si Bouchard sa Australian at sa French Open ngayong taon.

Si Bouchard, ang 2012 junior Wimbledon champion, ay tinalo nina Li Na sa Melbourne at Maria Sharapova sa semifinals ng naturang dalawang torneo.

Natalo si Bouchard kay Halep sa three sets sa Indian Wells ngayong taon.

Yumuko naman si Halep kay Maria sa French Open final noong Mayo.

Sa iba pang semifinals matches, makakatapat ni Petra Kvitova ang kanyang kababayang si Czech Lucie Safarova.

Ang sixth seed na si Kvitova ang tanging Grand Slam winner na natira sa women’s draw.

ANGELIQUE KERBER

BOUCHARD

CZECH LUCIE SAFAROVA

EUGENIE BOUCHARD

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

HALEP

INDIAN WELLS

LI NA

MARIA SHARAPOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with