KFC bibigyan ng pagkakataon ang basketball fans na makalaro ang NBA stars
MANILA, Philippines - Pasasayahin ng KFC Philippines ang ilang masu- werteng basketball fans dahil mabibigyan ang mga ito ng pagkakataon na masama sa dalawang koponan na pamumunuan nina PBA player Doug Kramer at NBA All-Star DeMar DeRosan ng Toronto Raptors sa KFC Fully Loaded Shootout sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Sina Kramer at DeRozan ang magiging captain ng Team KFC at Team NBA na bubuuin pa ng tatlo o apat na manlalaro na manggagaling sa mga masuwerteng basketball fans.
Para mapili, kailangang sumali ang isang mahilig sa basketball sa online promo na kung saan kailangang mag-tweet ng isang larawan ng KFC Fully Loaded Meals sa @KFCPhilippines gamit ang “KFCFullyLoadedTeam” at “NBA3XPH” hashtags.
Ang KFC ang opisyal na fast food partner ng NBA at ang kanilang itinutulak na aktibidades ay para suportahan ang NBA 3X na taunang proyekto ng pinakatanyag na basketball league sa mundo sa Pilipinas.
Bago ito ay nagsagawa na rin ng shootout ang KFC na dinaluhan ng anim na bata mula sa Virlanie Foundation kasama si Utah Jazz forward Gordon Hayward.
- Latest