^

PSN Palaro

Netherlands kumapit sa milagro, Mexico sinibak Costa Rica sinilat ang Greece

Pilipino Star Ngayon

BRAZIL--Gumawa ng milagro ang Netherlands nang nakaiskor ng dalawang goals sa huling dalawang minuto sa regulation at sa stoppage time para makumpleto ang come-from-behind 2-1 panalo sa Mexico.

Sinabayan ito ng pagpapatuloy na pagkinang ng 10-kataong Costa Rica sa pag-ukit ng 3-2 panalo sa Greece sa penalty shootout upang lalong naging kapana-panabik ang mga laro sa 2014 World Cup.

May selebrasyon na ang nagaganap sa mga kapanalig ng Mexico dahil hawak nila ang 1-0 kalamangan papasok sa 88th minuto nang nailusot ni Wesley Sneijder ang tying goal mula sa tuktok ng penalty box.

Hindi na nawala ang suwerte sa Dutch team dahil nabigyan ng penalty kick si Klass Jan Huntelaar sa 94th minute upang umabante pa sa quarterfinals ang Netherlands habang namaalam sa ikaanim na sunod na pagkakataon ang Mexico sa Last 16.

Nabigyan ng krusyal na penalty kick ang Dutch nang tawagan ng foul ang Mexican captain na si Rafael Marquez matapos tumumba si Arjen Robben.

“The penalty was an invented penalty,” wika ni Mexican coach Miguel Herrera na nakilala sa edis­yon bilang isang coach na nagpapakita ng aksyon sa goals na naipasok ng kanyang manlalaro at mga tawag ng referees.

Hindi sumablay sina Celso Borges, Bryan Ruiz, Giancarlo Gonzalez, Joel Campbel at Michael Umana sa kanilang attempts habang na-save ni Costa Rican goalie Keylor Navas ang birada ni Theofanis Gekas para sa 5-3 pana­naig sa Greece.

Nauwi sa shootout ang laro nang naitabla ni Socratis Papastathopoulos ang iskor ilang minuto bago ang regulation time.

“This is for my family. It’s for the colleagues who got injured before coming here. They’re not with us, but they gave us a hand on the pitch,” pahayag ni Umana na siyang nagtiyak ng panalo para sa Costa Rica.

Malalaman kung sino sa Netherlands at Costa Rica ang patuloy na susuwertehin sa pagkikita ng dalawa sa quarterfinal.

vuukle comment

ARJEN ROBBEN

BRYAN RUIZ

CELSO BORGES

COSTA RICA

COSTA RICAN

GIANCARLO GONZALEZ

JOEL CAMPBEL

KEYLOR NAVAS

KLASS JAN HUNTELAAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
5 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with