^

PSN Palaro

MVP tiwala sa kakayahang lumaban ng Pinas sa FIBA 3x3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikita ni Sama­hang Basketbol ng Pili­pi­nas (SBP) president Manny V. Pangilinan na lalaban nang husto ang mga koponan na kakatawan sa Pilipinas sa FIBA 3x3 World Tour-Asia Pacific leg sa Fashion Hall ng SM Megamall sa susunod na buwan.

Aminado si Pangilinan na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang asahan dahil hindi pa niya  batid ang lakas ng mga ma­kakalaban ng bansa sa kompetisyong gagawin mula Hulyo 19 at 20.

“Hindi ko alam ang chance natin. Hindi ko alam ano teams ng ibang bansa kung mahuhusay ba o malalakas. Di pa rin sarado ang team composition natin,” wika ni Pangilinan matapos ang pormal na paglulunsad ng kompetis­yon kahapon sa Atrium ng SM Megamall.

May 12 koponan ang sasali sa kompetisyon na una sa anim na qualifiers para madetermina ang mga maglalaro sa World Tour  Final sa Tokyo, Japan mula Oktubre 11 at 12.

Kasama sa pagpupulong sina FIBA 3x3 Events manager Ignacio Soriano ng Spain at mga SBP officials na sina Ricky Vargas, Al Panlilio, Sonny Barrios, TV5 Sports head Chot Reyes, Smart Sports head Chris Quimpo at SM AVP for Operations Christian Ian Mathay.

Dahil sa mainit na pag­­tanggap sa basketball kaya’t ang host country ay binibigyan na ng apat na ko­ponan para sa torneo.

Isa sa isasali ay ang nagkampeon sa National U-18 3x3 na Naga City habang ang pangalawang koponan ay maaaring kata­wanin nina Kobe Paras, Thirdy Ravena, Alvin Tolentino at Prince Rivero na nakalaro sa FIBA World 3x3 noong nakaraang taon.

Ang huling dalawang koponan ay maaaring katawanin ng PBA player dahil hindi puwedeng isali ang mga kasapi ng Gilas national team dahil lalaro sila sa FIBA Asia Cup sa Wuhan, China.

Sina Flores at Eric Alta­mirano ang siyang tumutulong sa SBP sa pagha­hanap at pagbubuo ng PBA players na kasama ng dalawang iba pang ko­ponan ay makikipaglaban sa mga ilalahok ng Indonesia, Qatar, New Zealand, C-Taipei at Japan.  (ATan)

AL PANLILIO

ALVIN TOLENTINO

ASIA CUP

CHOT REYES

CHRIS QUIMPO

ERIC ALTA

FASHION HALL

PANGILINAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with