^

PSN Palaro

UNTV Cup season 2 finals isa na lang sa responders

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ng 30 puntos ang PNP Responders sa huling yugto tungo sa 74-64 panalo sa AFP Cavaliers sa Game One ng UNTV Cup Season 2 Finals noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sina Harold Decena at Harold Sta. Cruz ang nagtuwang sa matinding laro ng Responders sa huling 10 minuto ng labanan para hawakan ang 1-0 lead sa best-of-three Finals series.

May 15 puntos si Decena habang si Sta. Cruz ay nagdagdag ng 12 puntos, 17 rebounds, 5 assists, 2 steals at isang block.

Magkakaroon ng pagkakataon ang PNP na angkinin ang kampeonato sa pagbabalik ng laro sa Hulyo 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Inokupahan naman ng dating kampeon Judiciary Magis ang ikatlong puwes­to sa pamamagitan ng 84-81 tagumpay sa MMDA Black Wolves sa unang laro.

Ang naabot ng Magis ay nagbigay-daan para kunin din ang P250,000.00 premyo na ibibigay ng liga sa papangalanang bene­ficiary.

Napasakamay ng Blackwolves ang P150,000.00 sa pag­lapag sa ikaapat na pu­westo.

 

vuukle comment

BLACK WOLVES

CRUZ

CUP SEASON

GAME ONE

HAROLD STA

JUDICIARY MAGIS

PASIG CITY

SINA HAROLD DECENA

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with