^

PSN Palaro

World cup Brazil Argentina inilusot ni Messi sa panalo

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO--Ipinakita ni Lionel Messi kung bakit siya ang isa sa mga tinitingala sa mundo sa football nang tulungan ang Argentina sa 2-1 panalo sa Bosnia-Herzegovina sa Group F match sa World Cup dito.

Si Messi ang pangunahing manlalaro sa unang goal ng laro na nangyari matapos lamang ang dalawang minuto at walong segundo habang ang kanyang unang opisyal na goal sa torneo ay ginawa sa 65th minute para sa 2-0 kalamangan.

May dalawang goals na si Messi sa tatlong pagkakataon na naglaro sa World Cup at naiabante ng Argentina ang isang paa para umusad sa kompetisyon.

Disgrasya lamang ang  unang puntos ng Argentina dahil ang free kick ni Messi na sinundot pa ng kakam­ping si Marcos Rojo ay sinamangpalad na tumama sa gulugod ng defender na si Sead Kolisinac. Ang bola ay hindi inabot ni goalie Asmir Begovic para sa ‘own goal’ ni Kolisinac.

“There were nerves and anxiety, so it was good to start with three points and a victory,” pahayag  ni Messi matapos ang panalo.

Hindi pinaporma ng France ang Honduras para sa 3-0 panalo habang umani ang Switzerland ng 2-1 tagumpay sa Ecuador sa mga laro sa Group E.

Ang Real Madrid striker na si Karim Benzema ay gumawa ng dalawang goals para pangunahan ang France na nais na makatikim uli ng titulo na una at huling nangyari noon pang 1998 na ginawa sa nasabing bansa.

 

ANG REAL MADRID

ASMIR BEGOVIC

GROUP E

GROUP F

KARIM BENZEMA

LIONEL MESSI

MARCOS ROJO

MESSI

SEAD KOLISINAC

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with