Pacquiao gustong makalaban ni Algieri
MANILA, Philippines - Kumakatok ngayon sa pintuan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao si Chris Algieri para maging katunggali sa pagbabalik nito sa Nobyembre.
Si Algieri ay galing sa nakakagulat na panalo kay Ruslan Provodnikov ng Russia kamakalawa sa Barclays Center sa Brooklyn, New York, upang maagaw din ang WBO light welterweight title.
Bumangon si Algieri mula sa dalawang knockdowns sa unang round, saÂrado ang kanang mata at duguan ang ilong naiukit nito ang split decision panalo.
Sinabi ni Algieri na si Provodnikov ang kinakatakutang boxer sa nasabing dibisyon at ang nakuhang panalo ay sapat na dahilan para magpatuloy sa paghahanap sa mas mabigat na katunggali at ito nga ay si Pacquiao.
“I just fought the most dangerous guy around for very cheap, and now, it’s time for the biggest fight that I can get, and maybe that’s Manny Pacquiao,†wika ni Algieri sa panayam ng Ringtv.com.
Naunang nagplano si Provodnikov na sukatin si Pacquiao kung napaÂngaÂtawanan ang pagiging paborito kay Algieri.
Suportado ng promoter ng walang talong boxer na si Algieri (20-0) na si Artie Pelullo ang hangaring nito na harapin ang iba pang mabibigat na boksingero.
Bukod kay Pacquiao, binanggit ni Pelullo si Danny Garcia na puwede ring itapat sa bagong WBO champion.
“Right now, like Chris and I said, we want the biggest fights possible. First, down the road, it’s Pacquiao, and then maybe Danny Garcia,†pahayag ni Pelullo.
Wala namang problema si trainer Freddie Roach kung mangyari ang laban.
Si Roach ang trainer din ni Provodnikov at nasa corner siya nang tinalo ang alaga ni Algieri.
“He made a good statement with this fight. He’s pretty tall, range. I have no problem getting Pacquiao ready to beat him,†wika ni Roach.
Nabuksan ang posibilidad na si Algieri ay makakalaban ni Pacquiao dahil naihayag ni Bob Arum na ang mananalo sa labang ito ay puwedeng ihanay na katunggali ni Pacman sa kanyang pagbabalik na pansamantalang itinakda sa Nobyembre 22 sa Macau, China.
- Latest