Heat target ang 2-1 lead sa serye
MIAMI -- Naniniwala si Dwyane Wade na nagsisiÂmula pa lamang ang best-of-seven championship series ng Miami Heat at ng San Antonio Spurs.
Matapos makatabla ang Heat sa Game 2 noong Linggo ay sinabi ni Wade na pipilitin ng Spurs na makaÂbawi sa Game 3 ngayon ng NBA Finals..
“You never put them away,†wika ni Wade. “I think they always believe and it’s the same with us. You can’t, you won’t, put us away because we’re always going to believe. That’s why this is a perfect, different animal, kind of series. They’re the other team like us. They don’t lose much and when they do they come back and be better in the next game. So we’ve got to come out and do the same thing.â€
Kaya noong Lunes ay pinanood ng Heat ang video ng Game 2 imbes na magpahinga.
Sa panalo sa San Antonio na nagtabla sa kanilang serÂye sa 1-1 ay nakamit ng Miami ang home-court adÂvantage.
Ngunit walang nag-iisip na magiging madali ito.
Naipanalo ng Heat ang franchise-record na 11 sunod na postseason games sa kanilang tahanan.
Ang huling koponan na nanalo ng playoff game sa Miami ay ang Spurs sa pag-angkin sa Game 1 ng naÂkaraang NBA Finals.
‘’Coming back here there has to be an incredible sense of focus and urgency,’’ sabi ni Fil-Am Heat head coach Erik Spoelstra sa San Antonio. ‘’They’re a veteran, poised, championship-level team that’s been through a lot. The crowd won’t affect them much.’’
Hindi rin naging perpekto ang inilaro ng dalawang koÂponan sa serye.
Napuwersa ang Spurs sa maraming turnover sa Game 1 na matatandaan dahil sa air conditioning malfunction na nagresulta sa leg cramps ni LeBron James sa huling apat na minuto ng fourth quarter.
Naging malamya naman ang panimula ng Heat sa Game 2 bago nakaalpas sa dulo ng laro.
Nang kumamada si James sa third quarter ay suÂmuÂnod ang Miami patungo sa kanilang tagumpay sa Game 2.
Pinasahan ni James si Chris Bosh para sa 3-pointer nito na nagbigay sa Heat ng bentahe sa huling 1:18 minuto na nagpakita sa pagsilip ng four-time MVP ng tsansang mapasahan ang mga libre niyang kakampi.
“I’m going to make the right play,’’ sabi ni James. “To have that trust from my teammates, they know when I’ve got the ball, I’m going to make the right play. Doesn’t mean it’s going to go in. Doesn’t mean it’s going to result in a win, but they believe in my ability.’’
- Latest