^

PSN Palaro

Nadal sinibak si Murray, haharapin si Djokovic sa Finals ng French Open

Pilipino Star Ngayon

PARIS--Sinikwat ni Novak Djokovic ang isang Finals berth matapos talunin si Ernests Gulbis, 6-3, 6-3, 3-6, 6-3, sa semifinals ng French Open.

Pinayuko naman ni Nadal si Andy Murray, 6-3, 6-2, 6-1, sa isa pang semifinal match para itakda ang kanilang salpukan ni Djokovic sa Finals sa Roland Garros.

Ito ang pang-limang sunod na finals appearance ni Nadal sa torneo kung saan isang set lamang ang kanyang naisuko.

Ang French Open naman ang tanging Grand Slam tournament na hindi pa napaghaharian ni Djokovic, samantalang si Nadal, ay may record na wa­long beses na pagkakampeon.

Tinalo na ni Nadal si Djo­­kovic sa Finals noong 2012 at sa five sets noong 2013 semifinals.

“Knowing that I was that close to win against him the past two years gives me that reason to believe that I can make it this time,” sabi ng second-seeded na si Djokovic.

Nakataya rin ang No. 1 ranking sa Finals na siyang pang-42 beses na paghaharap nina Nadal at Djokovic.

Tinalo ni Djokovic si Nadal sa huling apat nilang banggaan, kasama rito ang Finals sa Rome noong na­karaang buwan.

Sa kanyang paglalaro sa clay court ay nagposte si Djokovic ng 14-1 record ngayong taon.

May 24-3 marka naman si Nadal sa clay court.

“I lost a few matches, but playing the way that I played today, probably I will not,” wika ni Nadal. “But another thing that is true is every week on the clay-court season I was doing something better.”

Tinalo ni Nadal ang seventh-seeded na si Murray sa pamamagitan ng 91 percent sa kanyang first-serve points laban sa isa sa pinakamahusay na returners.

 

vuukle comment

ANDY MURRAY

ANG FRENCH OPEN

DJOKOVIC

ERNESTS GULBIS

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

NADAL

NOVAK DJOKOVIC

TINALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with