PBA games live sa Radyo5
MANILA, Philippines - Matapos ipakilala ang PBA sa HD broadcast sa nakaraang 2014 PBA Commissioner’s Cup Finals, idadagdag naman ng Sports5 ang FM station Radyo5 92.3 bilang isa pang paraan ng pagbibigay kasiyahan sa mga die-hard basketball fans.
Ang radio broadcast ng PBA ay magsisimula sa Hunyo 9 tampok ang laban ng Air21 Express at San Mig Super Coffee Mixers sa SMART Araneta Coliseum.
Ang PBA broadcast sa Radyo5 ay maaaring maÂrinig sa buong bansa sa 92.3 NEWSFM Manila, 101.9 NEWSFM Cebu, 101.9 NEWSFM Davao, 102.3 NEWSFM Bacolod at 97.5 NEWSFM General Santos. Ang broadcast ay maaari ring maranasan via radio streaming sa InterAksyon.com.
“This is great news for PBA die-hard fans. They can listen to the LIVE broadcast of the games clearly on the radio. And you can use your cellphone to listen to the games. Overseas Filipinos can also listen to the broadcast via InterAksyon.com,†ani Sports5 Head Chot Reyes.
Ang mga PBA games ay maririnig sa AM frequency sa Sports Radio 918 AM at sa lahat ng satellite stations sa Baguio (DZEQ 999AM), Dagupan (DZMQ 576), Naga (DWRB 549AM), Iloilo (DYLL 585AM), Cebu (DYMR 576AM), Zamboanga (DZMR 1170AM), Cagayan (DXIM 936AM) at Davao (DXRP 666AM).
- Latest