^

PSN Palaro

Castañeda kampeon sa 1st AVESCO Memory C’ship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit ni Grandmaster of Memory (GMM) Mark Anthony Castañeda ng Pilipinas ang kahusayan nito sa Speed Cards event upang biguin ang kababayan na si GMM  Erwin Balines sa idinaos na  1st AVESCO Philippine International Open Memory Championship noong Linggo sa Eurotel Hotel North EDSA, Quezon City.

Kinatampukan ang  mahusay na ipinakita ni Castañeda nang pagmemorya niya ng eksaktong pagkakasunud-sunod ng isang binalasang deck ng playing cards sa loob lamang ng 37.21 segundo.

Mas mabilis ito kumpa­ra sa isang minuto at 10 segundo sa dating national record na hawak ni Castañeda noong 2011.

Ang world Speed Cards record ay  20 segundo na hawak ni Simon Reinhard ng Germany.

Ang pinakamabilis na oras ni Balines ay nasa 1:15.65 para pumangalawa lamang.

Nakuha rin ni Casta­ñeda ang overall title sa nakuhang 5,519 puntos upang daigin din si Balines na mayroong 5,249 puntos.

Ang bisita galing sa Mongolia na si Tsogbadrakh Saikhandbayar ang pumangatlo sa 4,780 puntos habang si Indonesian GMM Yudi Lesmana ang pumang-apat sa 4,735 puntos.

 

BALINES

CASTA

ERWIN BALINES

EUROTEL HOTEL NORTH

GRANDMASTER OF MEMORY

MARK ANTHONY CASTA

PHILIPPINE INTERNATIONAL OPEN MEMORY CHAMPIONSHIP

SPEED CARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with