^

PSN Palaro

Thiem nadale ni Nadal sa French Open

Pilipino Star Ngayon

PARIS--Matapos ma­nalo sa ika-61 pagkakataon sa kanyang pang-62 match sa red clay sa Roland Garros, inisip ni Rafael Nadal ang hinaharap ng tennis.

At hindi nakikita ng top-seeded Spaniard ang kanyang sarili, maski sina Roger Federer, Novak Djokovic o Andy Murray.

Umabante si Nadal sa third round ng French Open matapos talunin ang 20-anyos na si Austrian Dominic Thiem.

“(We’re) not going to be here for 10 more years,” wika ni Nadal.

Umiskor ang eight-time French Open champion ng 6-2, 6-2, 6-3 laban kay Thiem.

Dalawang beses na­basag ni Thiem ang service ni Nadal sa first set at sa third set pero hindi ito umubra para pigilan ang kalaban.

Umabante rin sa third round si Murray matapos gibain si Marinko Matose­vic, 6-3, 6-1, 6-3.

Hindi pa nananalo si Murray ng French Open.

Nagsimula naman ang women’s tournament na may anim na dating ka­mpeon sa main draw, ngunit tanging sina Maria Sharapova, Svetlana Kuznetsova at Ana Ivano­vic ang natira at nanaig sina Kuznetsova at Ivanovic sa second round matches kagaya ni Sharapova.

ANA IVANO

ANDY MURRAY

AUSTRIAN DOMINIC THIEM

FRENCH OPEN

MARIA SHARAPOVA

MARINKO MATOSE

NADAL

NOVAK DJOKOVIC

RAFAEL NADAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with