Puro na sa korona NLEX nakauna sa Blackwater
Laro sa Lunes
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
3:30 p.m. NLEX
vs Blackwater Sports
MANILA, Philippines - Nakitaan ng mainit na laro ang mga bench plaÂyers na sina Art Dela Cruz at Roland Pascual upang may makatulong ang mga starters at ang inakalang dikitang labanan sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Blackwater Sports Elite ay nauwi sa 90-77 tambakang panalo ng una sa PBA D-League Foundation Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nanguna sa pag-atake si Dela Cruz sa kanyang 18 puntos mula sa 7-of-10 shooting, habang si Pascual ay naghatid ng 17 puntos, kasama ang 4-of-7 sa three-point line para pamunuan ang NLEX sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series.
Si Pascual ang siyang naunang kumamada nang ibagsak ang 11 sa kanyang puntos sa first half para bumangon ang Road Warriors sa pitong puntos pagkakalubog at mangibabaw sa first half, 45-40.
Matapos ang buslo ni Kevin Ferrer para ilapit ang nagdedepensang kampeon Elite sa tatlo, 45-42, nagtala ng tig-isang tres sina Pascual, Rome Dela Rosa at Garvo Lanete habang si Dela Cruz ay may apat pang puntos para ibigay sa NLEX ang 67-50 kalamangan.
“Sinabi ko sa kanila na hindi kami mananalo sa elite kung hindi namin susundin ang aming game plan. I thought we executed it perfectly,†pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Sina Kevin Alas, Jake Pascual at Ola Adeogun ay may tig-11 puntos at sina Pascual at Adeogun ay nagÂsanib sa 26 rebounds para manaig ang Road Warriors sa nasbaing departamento 45-41.
Bukod sa rebounÂding, nakatulong din ang walong triples na naipasok ng NLEX at lima rito ay giÂnawa sa second half.
May 20 puntos si Reil Cervantes habang sina Marvin Cruz, Kevin Ferrer at Gilbert Bulawan ay nagdagdag ng 18, 11 at 11 puntos.
Pero wala sa kondisÂyon sina Jericho Cruz at beteranong guard Allan Mangahas na naramdaman ng koponan ni coach Leo Isaac.
Naisablay ang apat na attempts ni Cruz tungo sa isang puntos lamang matapos ang 25 minutong paglalaro habang si MaÂngahas na pinaglaro lamang ng anim na minuto ay hindi nakaiskor.
Ang larong ito ay mapapanood sa Lunes (Hunyo 2) sa ganap na alas-6 ng gabi sa AKSYON TV.
Ang Game Two na pagÂlÂaÂlabanan sa Lunes ay isasaere sa Martes (Hunyo 3) sa alas-10 ng gabi habang ang deciding Game Three kung mangyayari ay mapapanood sa Hunyo 5 sa alas-6 ng gabi. (ATan)
- Latest