Petron Spikers sumosyo sa liderato
MANILA, Philippines - Patuloy ang mabaÂngis na paglalaro ni Dindin Santiago upang saluhan ngaÂyon ng Petron Lady Blaze Spikers ang pahiÂngang Air Asia Flying Spikers sa lideÂrato sa 22-25, 25-14, 25-20, 25-21, panalo sa Cagayan Valley Lady Rising Suns noong Miyerkules ng gabi sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino ConfeÂrence volleyball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Matapos gumawa ng 37 puntos sa panalong naitala laban sa PLDT Home TVolution Power Attackers, ang 6’2 top pick na si Santiago ay nagpakawala ng 31 puntos para ibigay sa Petron ang ikalawang sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Score at handog ng PLDT Home DSL.
May 24 kills bukod sa apat na service aces at tatlong blocks si Santiago sa isa pang dominanteng laro para patatagin ang taguri sa Lady Blazes Spikers bilang isa sa palaban sa titulo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Bukod sa matikas na laro ni Santiago, nakakuha pa ang Petron ng magandang laro mula kina Mina Aganon at Sandra de los Santos sa 18 at 10 puntos para agad na nakabangon ang koponan sa pagkatalo sa first set.
Sina Angeli Tabaquero, Aiza Maizo-Pontillas at Wenneth Eulalio ay mayroong 15, 11 at 11 puntos pero hindi sapat ito para pigilan ang Cagayan Valley sa paglasap ng ikatlong sunod na kabiguan.
Nakuha naman ng PLDT Home TVolution ang unang panalo sa kalaÂlaÂkihan sa 25-21, 25-13, 25-27, 25-15, dominasyon sa Systema sa huling laro.
Nangunguna sa dibisÂyon ang Cignal sa 2-0 karta.
- Latest