Pirma na lang ni P-NOY ang kailangan pagiging Pinoy ni Blatche pasado sa Senado
MANILA, Philippines - Naipasa na ng Senado ang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship kay Andray Blatche.
Sa 20-0 boto at walang abstention, naipasa sa ikatlong reading ang Senate Bill No. 2108 na itinulak ni Senador Sonny Angara para maging naturalized Filipino ang 27-anyos manlalaro ng Brooklyn Nets sa NBA na si Blatche.
Ang bill ni Angara ay bersyon ng Senate sa House Bill No. 4084 na sinuportahan ni Cong. RobÂbie Puno na naipasa sa Mababang Kapulungan noong Marso.
“Andray Blatche has openly expressed his desire to play for the Philippines. He is in a position, at age 28, to make significant contributions to Philippine basketball and accordingly, eligible for conferment of the honor of being a Philippine citizen,†wika ni Angara.
Si Blache ang magiging ikalawang US player na binigyan ng Filipino citizenship kasunod ni Marcus Douthit.
Si Douthit ang nakatulong para makuha ng Gilas national team ang ikalawang puwesto sa FIBA-Asia Men’s Championship noong nakaraang Setyembre sa Pilipinas na nagsilbing tiket ng koponan para makaÂlaro sa FIBA World Cup sa Spain.
“Other countries, while ranking higher that the PhiÂlippines, have opted to take advantage of this naturalized player rule, meant to equaÂlize the world basketball landscape historically ruled by American and European countries, with great benefit,†ani pa ni Angara sa kung bakit niya itinulak ang bill.
Ipadadala ang dokumento kay Pangulong Benigno Aquino III at umaasa ang lahat na lalagdaan agad ito ng Pangulo para maging batas na.
Bukod sa World Cup, ang Pilipinas ay naghaÂhanda rin sa Asian Games sa Incheon, Korea at naitakÂda na ng organizing committee ang Mayo 30 bilang huling araw para ipadala ang mga pasaporte ng mga atletang maglalaro sa kompetisyon.
- Latest