^

PSN Palaro

Cagayan, PLDT at Cignal asam ang panalo sa PSL All-Filipino Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome, Pasay City)

3 p.m.  Cagayan Valley vs PLDT (Women)

5 p.m. RC Cola-Air Force vs Cignal (Women)

7 p.m. Cignal vs Via Mare (Men)

 

 

MANILA, Philippines - Makikilatis ang lakas ng RC Cola-Air Force sa pagharap sa Cignal HD sa pagbabalik-aksyon ng 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ikalawang laro sa women’s division kasunod ng pagtutuos ng Cagayan Valley at PLDT Home TVolution sa ganap na alas-3 ng hapon.

Huling laro dakong alas-7 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at Via Mare sa men’s division.

Unahan sa paglista ng unang panalo ang magaganap sa Lady Rising Suns at Power Attackers para okupahan ang ikatlong puwesto sa pitong koponang liga sa kababaihan na inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL.

Ang mata ay tiyak na ipupukol din sa RC Cola-Air Force dahil karamihan sa mga manlalaro ng koponan ay kabilang sa nagkampeon sa Philippine National Games kamakalawa.

Sina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Judy Caballejo at Joy Cases ang mga mamumuno sa Rai­ders.

Nasa koponan din ang national player na si Iari Yongco na siyang pinarangalan bilang PNG MVP nang na­nalo ang PAF sa La Salle.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

CUNETA ASTRODOME

IARI YONGCO

JOY CASES

JUDY CABALLEJO

VIA MARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with