^

PSN Palaro

Pichay, Tolentino magkaiba ng kinatigan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -

Ibinigay ni Pichay ang suporta ng NCFP kay Ignatius Leong, ang FIDE general secretary na kumakandidato sa tiket ni dating world champion Garry Kasparov.

Tumatakbo naman si Tolentino para sa puwesto ng sec­retary general sa grupo ni FIDE president Kirshan Illyumzhinov.

Sinabi ni Tolentino na nagdesisyon siyang kumandidato matapos sabihin ni Illyumzhinov na ang posisyon ay naunang inialok sa pumanaw na si Florencio Campomanes na nag-endorso kay Illyumzhinov bilang presidente ng FIDE noong 1995.

Ngunit sa May 5 NCFP board resolution ay iniluklok si Pichay bilang official delegate ng bansa sa FIDE.

Kabuuang 56 national federations – ang 22 ay mula sa Africa, 18 buhat sa Americas, siyam sa Asya at pito sa Europe – ang kumampi kay Illyumzhinov, habang ang 20 ay pumanig kay Kasparov.

ASYA

FLORENCIO CAMPOMANES

GARRY KASPAROV

IBINIGAY

IGNATIUS LEONG

ILLYUMZHINOV

KIRSHAN ILLYUMZHINOV

PICHAY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with