^

PSN Palaro

Adamson Belles humabol sa semis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 25 kills si Thai reinforcement Pacharee Sangmuang para igiya ang Adamson Lady Falcons sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence sa pamamagitan ng 25-18, 25-23, 25-27, 25-22, panalo sa UST  Tigresses sa pagtatapos ng quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi naawat si Sang­muang sa mga pina­ka­walang matitinding kills para pawiin ang matin­ding laban ng Tigresses sa fourth set at wakasan ang laro sa Group 1 bitbit ang 2-1 baraha.

Pero dahil winner-over-the-other ang ginamit para basagin ang tabla, ang Lady Falcons ang siyang lumabas bilang number one at makakaharap ang number two team sa Group II na FEU Lady Tamaraws sa crossover semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Dahil din sa panalo ay tuluyan nang nama­hinga ang UAAP champion Ate­neo Lady Eagles at bisitang Davao Lady Eagles sa kompetisyon tangan ang 1-2 baraha.

“We played as a team and we tried to limit our errors,” wika ni Sangmuang na tumapos tangan ang 27 puntos.

Ang kanyang tatlong matitinding kills na sinundan ng magkasunod na aces ni  May Jennifer Ma­ca­tuno ang itinugon ng Lady Falcons mula sa 21-20 iskor pabor sa Tigresses tungo sa panalo.

Si Sheila Pineda ay may 13 digs bukod sa 13 kills habang sina Pau Soriano at Myleen Paat ay naghatid ng 14 at 10 puntos.

Si Ennajie Laure ay may 18 kills tungo sa 21 puntos para sa Tigresses na nakitang nagwakas ang limang sunod na panalo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Kailangang  nanumbalik agad ang dating porma ng UST dahil katunggali nila ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs na kinumpleto ang 3-0 sweep sa Group II sa 25-11, 25-15, 25-17, panalo sa talsik ng St. Be­nilde Lady Blazers sa unang laro.

Sa Linggo sisimulan ang Final Four na paglalabanan sa best-of-three series.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

DAVAO LADY EAGLES

FINAL FOUR

FIRST CONFE

LADY

LADY BLAZERS

LADY EAGLES

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with