Muhammad Ali kay Mayweather: ‘Labanan mo na si Pacquiao’
MANILA, Philippines - Kahit ang itinuturing bilang isa sa pinakamahusay na boksingero na nakita sa ring ay tila nasasabik na masaksihan ang tunggalian sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Nagpalabas ng tweet message si Muhammad Ali na binati si Mayweather matapos ang split decision panalo kontra kay Marcos Maidana kahapon.
“Congratulations @FloydMayweather,†ani Ali sa twitter.
Kasunod nito ay ang kahilingan niya kay Mayweather na ngayon ay WBC at WBA champion sa welÂterweight division, na tanggapin na ang alok na laban kontra kay Pacquiao, ang WBO champion sa 147-pound division.
“Maybe after you restn up we can see you rumble with @MannyPacquiao!†pahabol ni Ali, ang tinaguriang pinakamahusay na heavyweight ng boxing.
Kahit ang isa pang naging undisputed heavyweight champion na si 48-anyos Lennox Lewis ay naghayag din ng saloobin na nais niya ring makita ang mega fight sa kapanahunang ito.
“Honestly the only fight I want to see for Mayweather is Pacquiao! TheGrandFinale,†tweet ni Lewis.
Bago ang panalo ni Mayweather ay naunang nakita ang husay uli ni Pacman nang ipatikim sa dating walang talo na si Timothy Bradley ang kanyang unang pagkatalo sa pamamagitan ng unanimous decision.
Dahil sa panalo ay naibaon sa limot ng Kongresista ng Sarangani Province ang kontrobersyal na split decision pagkatalo kay Bradley noong 2012 para mabawi rin ang dating hawak na kampeonato sa WBO.
Marami ang naniniwala na si Pacquiao ang may kakayahan na magpalasap ng unang kabiguan kay Mayweather dahil sa angkin niyang bilis sa pagsuntok mula sa magkabilang kamao.
Kung madadala sI Mayweather sa buyo ng dalawang ‘boxing greats’ ay malalaman lalo pa’t nasabi niya sa press conference sa laban kontra kay Maidana na tatlong laban pa ang puwede niyang gawin bago magretito sa pagbo-boxing.
- Latest


















