^

PSN Palaro

Generika at Air Asia paparada sa Super Liga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bagong ko­po­nan sa men’s at wo­men’s division ang itatampok para sa ikalawang season ng Philippine Superliga na magbubukas sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang two-conference champion na Philippine Ar­my ay kikilalanin na bilang Generika Drugstore, ha­bang ipaparada ng Air Asia ni Mikee Romero ang mga La Salle Lady Spi­kers sa pangunguna ni Aby Ma­raño.

“The Philippine Superli­ga now stands on a more so­lid ground after two highly successful conferences last year,” sabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara.

“We have two new teams in the women’s division and another two new teams in the men’s side, just as we planned the growth of the league. Little but sure steps,” dagdag pa nito.

Ang All-Filipino Confe­rence ay papalitan ng In­vitational Tournament, pi­nagreynahan ng TMS-Philippine Army noong na­ka­raang taon.

Ang invitational event, nagtampok lamang sa mga women players, ay isang eks­perimento ng nag-oor­ga­nisang Sportscore para sukatin ang pagtanggap ng mga Filipino fans sa isang club competition.

Ang Generika Drugstore ang magdadala sa ku­lay ng Lady Troopers  na nagkampeon sa Invitational at Grand Prix noong nakaraang taon.

Hangad naman ng Air Asia, babanderahan ng mga La Salle Lady Spikers na gustong makabawi sa ka­nilang kabiguan sa naka­raang University Athletic Association of the Philippines Finals na inangkin ng Ateneo Lady Eagles, na lumaban para sa korona.

Ang Cignal ay ikinukun­sidera pa ring top conten­der matapos pumangalawa sa Army sa Invitational at Grand Prix tournaments.

Itatampok naman ng Petron si Din-Din Santiago katapat ang PLDT MyDSL, RC Cola at Cagayan Pro­vince.

Masusukat ang kaka­yahan ng men’s Grand Prix champion na PLDT MyDSL laban sa Cignal at Instituto Estetica Manila.

Ang Systema ang ika­apat na men’s team na si­­nasabi ring maaaring ma­­ging title contender.

vuukle comment

ABY MA

AIR ASIA

ANG ALL-FILIPINO CONFE

ANG CIGNAL

ANG SYSTEMA

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN PRO

GRAND PRIX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with