Azkals, Tigers magsisipaan
Laro Ngayon
(Cebu City Sports Center)
7 p.m. Phl vs Malaysia
MANILA, Philippines - Ilang baguhang booters ang ipaparada ng Philippine Azkals sa pagharap sa bisitang Malaysian Tigers sa isang international friendly match ngayong alas-7 ng gabi sa Cebu City Sports Center.
Nakatakdang sumabak ang Azkals sa Asian Football ConfederationChallenge Cup sa Mayo 19-30 sa Maldives.
Ito ang unang international friendly ng Azkals sa Pilipinas.
Kasalukuyang may injury sina Phil Younghusband, Rob Gier at Juani Guirado.
Dahil dito ay gagamitin ni Dooley sina Jovin Bedic, Carli de Murga,Roxy Dorlas at Patrick Deyto bukod pa kina Anton del Rosario, James Younghusband, Ed Sacapano, Patrick Reichelt, Ruben Doctora Jr., Simone Rota at Curt Dizon.
Ipaparada rin ng tropa sina Fil-Danish Jerry Lucena at Fil-Swiss Martin Steuble.
- Latest