^

PSN Palaro

Lady Tamaraws sinuwag ang Altas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabangon agad ang FEU Lady Tamaraws mula sa straight sets pagkatalo sa nagdedepensang National University matapos kalusin ang Perpetual Help Lady Altas, 23-25, 25-18, 25-18, 25-21, kagabi sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nagising ang Lady Tamaraws matapos makahulagpos ang first set nang nag-focus pa sa sumunod na tatlong sets para mailista ang ikalawang panalo matapos  ang apat na laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Tinabunan ni Bernadette Pons ang pitong puntos lamang sa huling laro sa kinamadang 12 kills at tig-dalawang blocks at services aces para kumapit pa ang FEU sa ikatlong puwesto.

Ikatlong sunod na pagkatalo ito ng Lady Altas sa Group B para malagay sa hukay ang isang paa sa kompetisyong may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Kailangan ngayon ng NCAA champion Perpetual Help na maipanalo ang huling dalawang laro laban sa Davao Lady Agilas at UST Lady Tigresses para magka­roon ng tsansang mapasama sa apat na koponan na uusad sa quarterfinals.

Ang UST na may 1-1 baraha ay nakikipagtagisan sa San Sebastian Lady Stags  sa tampok na laro kagabi.

Magpapahinga ang liga upang gunitain ang Semana Santa at magbabalik-laro sa Linggo (Abril 20) na katatampukan ng pagtutuos ng FEU at Davao at St. Benilde Lady Blazers at Ateneo Lady Eagles.

 

vuukle comment

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETTE PONS

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP B

LADY

LADY ALTAS

LADY TAMARAWS

LADY TIGRESSES

LION TIGER MOSQUITO COIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with