3 bagong teams sa PBA aprub kay Salud
MANILA, Philippines - Kabuuang 13 koponan ang mapapanood para sa 40th season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ito ay matapos aprubahan ng PBA Board ang aplikasyon ng Blackwater Sports/Ever Bilena, NLEX ng Manny V. Pangilinan group at ng Columbia Autocar Corporation.
Hindi naitago ni PBA Commissioner Chito Salud ang labis na kasiyahan matapos ang halos apat na oras na pagpupulong.
“Three applied, three were recommended for approval and now, three were approved.†sabi ni Salud
Ang tatlong expansion teams ang pinakamaraÂming tinanggap ng liga makaraan ang Pepsi at Sarsi noong 1990.
“They have been informally verbally informed of their acceptance, formal acceptance will be given within the week,†ani Salud. “Everbilena (Blackwater) has already signified their acceptance.â€
Ang Blackwater/Ever Bilena at NLEX ay may mga koponan sa PBA D-League, habang ang Columbia, gumagawa ng sasakyang Kia, ay may sponsorship deal sa NBA.
Samantala, pipiliting walisin ng Tropang Texters ang single-round eliminations, habang tangka ng Bolts ang isang quarterfinals seat sa pagsagupa sa Energy Cola.
Puntirya ang kanilang pang-siyam na sunod na panalo, sasagupain ng quarterfinalist na Talk ‘N Text ang sibak nang Globalport ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon ay magkikita naman ang Meralco at ang Barako Bull, parehong nanggaling sa kabiguan.
- Latest