^

PSN Palaro

...Pacman dedma lang sa banta ni Tim

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES--Tila na­katikom ang bibig ni Manny Pacquiao.

Siyam na araw na lamang bago ang kanilang laban, ilang salita lamang ang binigkas ng charisma­tic Filipino boxing icon tungkol kay Timothy Bradley.

Ilang kalsada ang layo ay nagdaos si Bradley ng isang media workout sa Fortune Gym.

Ang lahat ng pumunta ay nakinig sa bawat salita ni Bradley.

Sinabi ni Bradley na pa­babagsakin niya si Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang “left hook” at ga­gawin niya ang lahat para mapatunayan sa April 12 sa Las Vegas ang kanyang tagumpay noong 2012.

Sa loob naman ng Nat’s Thai restaurant, ang paboritong hangout ni Pacquiao sa labas ng Wild Card Gym, hindi niya sinagot ang mga tanong tungkol sa rematch.

Napuno ang restaurant ng pamilya at mga kaibigan ni Pacquiao.

Naroon sina dating PBA stars Marlou Aquino, Kenneth Duremdes at Rodney Santos.

Kasama naman ni Pacquiao sa lamesa si dating sparring partner Ray Beltran at dating world champion Gerry Peñalosa.

Nakipagbiruin si Pacquiao sa kanyang mga kaibigan habang pinapanood ang nakaraan niyang laban sa isang giant TV screen.

Sa pagtayo niya ay hinarap niya ang ilang Pinoy scribes.

“Ten days to go. I’m ready. No problem with the weight. I just keep on eating,” wika niya. (AC)

vuukle comment

BRADLEY

FORTUNE GYM

GERRY PE

KENNETH DUREMDES

LAS VEGAS

MARLOU AQUINO

PACQUIAO

RAY BELTRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with