Lady Blazers nakaligtas sa Cobras
MANILA, Philippines - Nagparamdam ang nagbabalik na St. Benilde Lady Blazers ng kanilang kakayahan na makapagbigay ng magandang laban sa Shakey’s V-League Season 11 First ConfeÂrence nang kanilang pataubin ang CESAFI champion Southwestern University Lady Cobras, 25-23, 25-23, 15-25, 23-25, 15-9, kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi nagpahuli ang multi-titled San Sebastian Lady Stags na hiniya ang Perpetual Help Lady Altas sa limang sets din, 25-18, 17-25, 27-25, 23-25, 15-13, sa ikalawang laro upang tumibay ang laban para maalpasan ang elimination round sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sina Therese Veronas at Jeanette Panaga ay gumawa ng 24 at 20 puntos at nagsanib sa 34 sa 54 kills ng Lady Blazers pero sa deciding fifth set ay kinailangan nila ng tikas nina Maureen Loren at guest player Iumi Yongco para maisukbit ang unang panalo.
Taong 2010 noong huÂling nasalang ang St. Benilde sa ligang may ayuda ngayon ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil kaya’t ang buwena-manong panalo sa Group A ay nagpatibay sa paniniwala ng mga kapanalig na lalaban sa titulo ang koponan.
Ikalawang sunod na pagÂkatalo matapos ang tatlong laro ang nalasap ng Lady Cobras na bumigay sila sa pressure sa ikalima at huling set.
Si Czarina Berbano ay mayroong 17 kills tungo sa 19 puntos pero naghatid pa sina Jolina Labiano, Ryzabelle Devanadera at Camille Uy ng 16, 15 at 11 puntos para sa Lady Stags na nanalo kahit wala ang power spiker na si Gretchell Soltones.
Si Soltones ay may iniindang sprained ankle na nakuha sa unang asignatura.
Naitabla ng San SebasÂtian ang karta sa 1-1 habang bumaba ang Perpetual Help sa 0-2 baraha. (ATan)
- Latest